Babywearing Education, Babywearing Profession, Sa Says 2021

Ang Aking Kwentong Pochero (Ang Pagkakapareho ng Pagkain sa Baby Carrier)

Kaninang umaga, habang ako ay namimili sa tindahan ng mga putahe para sa aming pananghalian, tumambad sa akin ang samu’t saring gulay, prutas, at rekado. Merong pang-sinigang, chopsuey, pinakbet, tinola, pancit at iba’t iba pa,.sa dami ng pagpipilian, ingredients para sa pochero ang aking napusuan..saging saba, repolyo, patatas,.dagdag pa ng kamatis, batuan, at siling pahaba..oo, paborito ko at ng aking maliit na pamilya ang manamis-namis, maasim-asim na pochero na may konting kick.

Habang inaantay ko na lumambot ang karne, at ako’y naghihiwa ng mga rekado, nag-iisip ako ng mga sunod ko na isusulat, irirecord, at kung ano-ano pa.. Doon ko naisip na ang pagpili ng lulutuing ulam ay parang pagpipili ng baby carrier.

Oo.

O diba, ang layo. Pero ngay ket..wait lang, mageexplain ako..

Kapag bumibili tayo ng pagkain, Isinaalang-alang natin ang health, safety, budget, longevity/expiration, timeliness, techniques and yes even aesthetics..at katulad din sa pagbili ng baby carrier.

♥️ Health–madalas sa ating mga pinoy, kapag may kasama tayo sa bahay, bihira tayo mag-ulam ng ginisang monggo, o di kaya kapag may diabetes, make sure na di ganun katamis, o kung may highblood, hindi maasin. Sa baby carrier naman, minsan may mga special cases tayo na dapat i-consider katulad kung may scoliosis ang babywearer, kung may pelvic problems,. O di kaya premature si baby nuny ipinanganak o kailangan ng tubing para makakain,.
♥️ Safety–syempre dahil ipapasok natin yan sa ating katawan, malamang mas gusto natin na safe ang kakainin natin,.yung hindi nabubulok o nilalangawan.. Kagaya ng baby carrier, mas may tiwala tayo sa mga carriers na tested at sinubukan na. Mas may tiwala tayo na di tayo magkakasakit dahil doon.
♥️ Budget–o anong sarap sana ng ulam pero kokonti lang ang pera, ok lang basta naman masustansya, hindi ba? Ganun din po sa carrier,. Mayroon sanang high-end na napakagandang carrier kaya lang kulang sa budget, sige doon nalang tayo sa abot kaya pero ergonomic at safe.
♥️ Longevity/Expiration–suppose, gusto mo yung ulam na pang-ilang mealtimes, eh di pipili ka ng pagkain na hindi mabilis mapanis katulad ng adobo o di kaya ay paksiw. Sa baby carrier naman, minsan, malaking factor din talaga yung personal goal mo kung hanggang kelan mo siya kaya at gustong ibabywear,. Kung hanggang toddler or preschool ba o infancy lang.
♥️ Timeliness–pancit o ispageti ay siyang palaging bida kapag may okasyon, lalo na kapag birthday dahil ito daw ay sumisimbolo ng long life. Malagkit at matamis naman na pagkain kapag gusto natin ng magandang relasyon sa ating mga kasama..13 fruits daw kapag new year para masagana ang buong taon. Sa baby carrier kaya may relasyon din ito? Aba akalain mo yun na meron pala? Oo. Pinipili natin ang carrier na gagamitin natin depende sa okasyon. Halimbawa, preferrerd mo mag-buckled pag nagtatravel ka, pero wrap kapag sa bahay lang. O di naman kaya magpapagawa ka ng customized ring sling na kapareho ng trahe de boda mo dahil aabay ka sa kasal. Kanya-kanyang taste at preference yan. Kung saan ka masaya, abay malamang magiging masaya din si baby kasi karga-karga mo sya.
♥️ Techniques–may mga tao na ok na sa simpleng lutuan, basta ok na yung ipiprito nalang,.o di kaya isisteam lang. Yung simple lang, kumbaga..walang kyeme at kung ano-ano pa. Meron naman yung mas gusto nila na may igigisa muna, tapos sa kabilang kaldero may rekado pa na ibang pagluluto ang ginagawa, mala-chef ang peg. Sa babycarriers, ganun din. May iba na mas hanap nila straightforward lang ang paglalagay,.yung iba naman, trip ang challenging na mgq fancy finishes, may pagbubuhol dito, iikot sa ganyan, may ganitong klaseng knot, may ring sa bandang gitna, etc.
♥️ Aesthetics–simplehan ko lang ‘to–mas maeenjoy natin ang experience kapag gusto natin, nasasarapan tayo sa pagkain–gandang-ganda tayo sa sling.

Ikaw, anong ulam niyo ngayon? Rak ba?

O siya sige, ihahain ko muna itong pochero namin at gutom na ang mga anak ko.

PS: sarap na sarap ang aking mga anak at asawa kapag naprito muna ang saging saba hanggang ito ay maging golden brown bago ihalo sa pagluluto.

Leave a comment